Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
发布时间:2026-09-19 | 浏览:1
ang malayang ensiklopedyang maaaring baguhin ninuman .
Magtanong sa pamayanan
Paano magsimula?
Tulong sa nilalaman
Mabilisang indeks
For non-Tagalog speakers
Napiling artikulo
Si Fernando Cueto Amorsolo ( Mayo 30 , 1892 - Abril 26 , 1972 ) ay isa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas . Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco , Maynila , nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909 . Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa , kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan . Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino . Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas . Isinilang si Fernando Amorsolo kina Pedro Amorsolo, isang tenedor de libro, at Bonifacia Cueto. Lumaki si Amorsolo sa Daet, Camarines Norte , kung saan nakapag-aral siya sa isang paaralang pampubliko at tinuruang bumasa at sumulat ng wikang Kastila sa bahay.
Mga napiling artikulo
Alam ba ninyo ...
...na ang mga comune ng Fiumefreddo di Sicilia , Forza d'Agrò , Motta Camastra , at Savoca ay nagsilbing mga lokasyon ng Corleone para sa pelikulang The Godfather sa ilalim ng direksiyon ni Francis Ford Coppola ?
...na ang Bundok Kenya ay mahalagang aspekto sa buhay at kultura ng mga pangkat etniko gaya ng Kikuyu , Meru , Embu , at Maasai ( nakalarawan )?
...na sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas , ang unang nakalataga sa talaan ng mga kasunduan ay ang paggalang sa pandaigdigang makataong batas ng dalawang panig na nagdirigmaan ?
...na ang mga villa gaya ng kanila emperador Adriano at Trajano ay bukod sa pampahingahan, ay marahil nagsilbi ring paminsang tanggapan?
...na ang mga Kipot ng Turkiya , na kinabibilangan ng mga anyong-tubig ng Dardanelos at Bosforo , pati ang Dagat ng Marmara , ay bumubuo ng isang hangganang lupalop ng Asya at Europa ?
Mga nagdaang napili
Mga pinakabagong artikulo
Magsimula ng bagong artikulo
Napiling larawan
Ang Santa Francesca Romana ( Italyano : Basilica di Santa Francesca Romana ), na dating kilala bilang Santa Maria Nova , ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma , Italya .
May-akda ng larawan: Diego Delso
Marami pang napiling larawan
Mga dekalidad na larawan sa Wikimedia Commons
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki . Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit , walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo . Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA . Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman , notabilidad , at pagkamagalang .
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo , pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato . Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan , kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog .
Isang lindol na may lakas na Mw 7.8 , na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim , ang yumanig sa Mindanao , Pilipinas . Naramdaman din ito hanggang sa Leyte , sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya , at sa Sabah sa Malaysiya . Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala ( nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani ).
Naitala rin ang mga sunami sa Guam , Palau , at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon , at Pilipinas . Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana , habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya , Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko .
Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Iba pang mga kamakailang pangyayari...
Sa araw na ito ( Setyembre 18 )
1759 — Sinakop ng Gran Britanya ang Lungsod ng Québec .
Mga huling araw: Setyembre 17 — Setyembre 16 — Setyembre 15
Talaan ng mga makasaysayang anibersaryo
Commons Repositoryo ng midya
Wikidata Datos ng kaalaman
Wikikawikaan Mga sipi
Wiksiyonaryo Diksiyonaryo
Wikispecies Direktoryo ng mga espesye
Wikivoyage Gabay sa paglalakbay
Wikisource Aklatan
Wikiversity Kurso at aralin
Wikibooks Aklat-aralin at manwal
Wikifunctions Librerya ng mga punsyon
MediaWiki Paggawa ng software na wiki
Meta-Wiki Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
Mga Wikipedia sa iba pang mga wika sa Pilipinas Bajau Sama Bikol Central Cebuano Chavacano de Zamboanga Ilokano Kapampangan Pangasinan Winaray
Chavacano de Zamboanga
1,000,000+ artikulo العربية Deutsch Español Français Italiano Nederlands 日本語 Polski Português Русский Svenska Українська Tiếng Việt 中文
250,000+ artikulo Bahasa Indonesia Bahasa Melayu 閩南語 / Bân-lâm-gí Български Català Čeština Dansk Esperanto Euskara فارسی עברית 한국어 Magyar Norsk Bokmål Română Srpski Srpskohrvatski Suomi Türkçe
Bahasa Indonesia
閩南語 / Bân-lâm-gí
50,000+ artikulo Asturianu Bosanski Eesti Ελληνικά Simple English Galego Hrvatski Latviešu Lietuvių മലയാളം Македонски Norsk nynorsk Slovenčina Slovenščina ไทย
Mga artikulong may tekstong nasa wikang Italyano
Pages using Lang-xx templates
Mga artikulong may tekstong nasa wikang Ingles
Беларуская (тарашкевіца)
বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী
Batak Mandailing
Chavacano de Zamboanga
閩東語 / Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄
Tsetsêhestâhese
Nēhiyawēwin / ᓀᐦᐃᔭᐍᐏᐣ
Словѣньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ
Emiliàn e rumagnòl
Na Vosa Vakaviti
Kriyòl gwiyannen
गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni
Bahasa Hulontalo
Ghanaian Pidgin
客家語 / Hak-kâ-ngî
Bahasa Indonesia
Medžuslovjansky
ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / inuktitut
Къарачай-малкъар
Lingua Franca Nova
Basa Banyumasan
IsiNdebele seSewula
Sesotho sa Leboa
Davvisámegiella
Srpskohrvatski / српскохрватски
Српски / srpski
Татарча / tatarça
ئۇيغۇرچە / Uyghurche
Oʻzbekcha / ўзбекча
ⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ ⵜⴰⵏⴰⵡⴰⵢⵜ
閩南語 / Bân-lâm-gí